Thursday, August 20, 2026

Malacañang, walang itinatagong detalye sa mga biyahe at gastos ni PBBM

Hinamon ng Malacañang ang Office of the Vice President (OVP) na maging bukas din sa publiko matapos hilingin ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang paglalabas ng iba pang travel authority at gastusin sa mga biyahe na inaaprubahan ng Palasyo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang itinatagong impormasyon ang Malacañang sa mga foreign trip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Regular aniyang iniuulat sa publiko ang mga biyahe ng Pangulo at may mga press briefing habang nasa ibang bansa.

Iginiit din ni Castro na dokumentado ang gastos sa mga biyahe at isinusumite ang mga ito sa Commission on Audit (COA).

Ang pahayag ni Castro ay kasunod ng pagkansela ng OVP sa nakatakdang pagpunta sana ni VP Sara sa Japan nitong August 19-24, 2026

Nilinaw naman ng Palasyo na natanggap ng OVP ang travel authority noong Agosto 17, alas-12:41 ng tanghali, habang natanggap ng Malacañang ang abiso ng pagkansela noong Agosto 18, alas-6:07 ng gabi.

Facebook Comments