49 Pinoy, nawalan ng tahanan sa Israel dahil sa missile attack ng Iran

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel na umaabot na sa 49 na mga Pinoy roon ang nawalan ng tahanan dahil sa missile attack ng Iran.

Ayon sa embahada, ang naturang mga Pinoy, kasama na ang kakapanganak pa lamang na sanggol ay kasalukuyang nasa temporary accommodations.

Patuloy naman na hinahatiran ng Philippine Embassy ng mga pagkain at iba pang pangangailangan ang 63 iba pang mga Pinoy na nasa shelter.

Nananatili naman sa critical condition sa Shamir Medical Center sa Israel ang isang Pinay na nagtamo ng severe at life-threatening injuries matapos mahagip ng missile.

Habang patuloy rin na naka-confine ang isa pang Pinoy sa Kaplan Medical Center dahil sa moderate-serious injuries.

Una nang na-discharge ang Pinoy na nagtamo ng minor injuries.

Samantala, kinumpirma ng Philippine Embassy na sa 150 Pilipino sa Israel na humiling ng repatriation, 26 pa lamang dito ang nag- confirm at pino-proseso na ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas.

Facebook Comments