Parody song ni Michael V. tungkol sa ‘lugaw is essential’, trending ngayon sa social media

111

Trending ngayon sa social media ang actor/comedian na si Michale V., matapos nitong gawan ng parody song ang usaping ‘lugaw is essential’.

Sa kanyang YouTube, makikitang iniba ni Bitoy ang lyrics ng kanta ng bandang Eraserheads na ‘Torpedo’ na swak sa kontrobersiyal na pagharang ng isang barangay official sa food delivery rider na may dalang lugaw.


Kinaaliwan ito ng mga netizens at binigyang papuri ang genius comedian habang ang iba ay sinabing na-LSS o Last Song Syndrome sila sa kanta.

Umani na ito ng halos 80,000 views at higit 10, 000 likes sa nakalipas lamang na 18 oras.

Facebook Comments