
Naglabas ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 ng release order para kina Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder Franco Mabanta at apat na iba pang akusado.
Ito ay matapos na makapagpiyansa ang grupo ni Mabanta ng tig-P120,000 kada akusado.
Ito ay tungkol sa kasong robbery extortion kaugnay ng umano’y pangingikil ng P350 million kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.
Kanina, dumating naman sa NBI Detention Facility sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang ama at tiyuhing pari ni Franco Mabanta.
Anila, naniniwala sila na pulitika ang motibo sa kaso laban sa grupo ni Mabanta.
Facebook Comments










