
Aminado si Navotas Rep. Toby Tiangco na naging mahirap para sa kanya na bumoto pabor sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Tiangco, ito ay dahil walang “moral authority” ang House of Representatives para maghabol ng pananagutan mula sa bise presidente gayong marami sa mga miyembro nito ang nahaharap din sa isyu ng katiwalian.
Nilinaw din ni Tiangco na ang pagboto nya ng yes sa impeachment ay hindi paghusga ng pagkakasala ni VP Duterte.
Sabi ni Tiangco ang kanyang pasya ay pagbibigay daan lang para mabigyan ng pormal at maayos na venue sa Senado ang pagpapaliwanag at paglalabas ng buong katotohanan sa mga issue hinggil sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) na konektado sa isyu ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at mga transaksyon sa bank accounts.










