Thursday, May 28, 2026

Sen. Robin Padilla, muling iginiit na payagan si Sen. Bato dela Rosa na magtrabaho online

Iginiit ni Senator Robin Padilla na hayaan si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na payagan itong magtrabaho sa pamamagitan ng online o via teleconferencing o videoconferencing.

Nakasaad ito sa Facebook account ng senador na bilang iniluklok ng taumbayan ay hayaan si Dela Rosa na magtrabaho online sa mataas na kapulungan.

Katwiran ni Padilla, hindi gusto ni Dela Rosa na hindi siya pumapasok sa Senado.

Paliwanag ni Padilla, wanted kasi si Dela Rosa ng International Criminal Court (ICC) at malayong magkaiba ito sa ayaw pumasok dahil sa sitwasyon nito ngayon.

Nanghihinayang ang senador na number 3 si Dela Rosa at mas marami pa ang nakuhang boto kaysa sa iba, kaya iginiit na gamitin ang technology para magampanan nito ang tungkulin.

Iginiit din nito na maging sinomang senador, hangga’t walang pinal na hatol sa hinaharap na kaso, may presumption of innocence o itinuturing na walang sala kaya dapat gawin ang mandato na ibinigay ng mga Pilipino.

Facebook Comments