Patay sa disgrasya sa kadalanan sa Barangay Batomelong, aabot na sa 11

General Santos City–Aabot na sa labing isa ang patay sa nangyaring banggaan ng Jeep at Van sa national Highway ng Barangay batomelong Gensan alas 4:00 ng hapon kahapon.
Ang mga nasawi na sakay ng van ay sina:

1.. Rosario Calmorin, 60, 2. Maria Entero, 64, 3. Adelaida Calmorin, nasa hustong edad , 4. Melanie Decenorio, 33, 5. Ricardo Entero jr., 6. Ricardo Calmorin, 63, 7. Aisa Mae Entero, 31,
8. Estrella Entero , 6 Months Old 9. Zyrex Entero, 1 year old
Samantala dalawa naman ang binawian ng buhay na lulan ng Jeep na sina Dominador Calob, 70 at Eduardo Roque, 52.

Patuloy namang ginagamot sa magkaibang pagamutan dito sa Gensan ang apat na mga biktima na sina
Ivan Carl Entero Rica Entero, Sandra Entero
At James Entero, na syang Driver ng van na nasa kritikal parin na kalagayan.


Ngayong umaga nakatakda namang iuwi sa kanilang Lugar sa Sitio Cebuano, Malungon Sarangani Province ang labi ng syam na mga biktima na pawang mga residenti nga nasabing lugar habang dadalhin din sa bayan ng Sta/ Cruz , davao del sur ang dalawang nasawi na sakay ng jeep.

Napag-alaman na galing ng tantangan South Cotabato ang Van matapos dumalo sa isang family Reunion habang ang jeep naman ay papunta ng Gensan para kumuha ng kanilang mga kaanak na dadalo sa kasal sa Davao Del Sur, pero pagdating ng national highway ng batomelong nangyari ang madugong banggaan.

Facebook Comments