Matumal umano ang bentahan ngayon ng ilan sa nagtitinda ng dried fish at pampasalubong sa hilera ng mga vendors sa Brgy. Tobuan, Labrador, Pangasinan.
Halos wala umanong kitain sila Aling Marjorie ngayon sa kanilang pwesto dahil sa tumal ng mga dumadayo para mamili ng kanilang mga alok na produkto.
Dagdag pa umano ang isinasagawang daanan sa tapat mismo ng kanilang mga pwesto; bagay na kanila umanong naiintindihan dahil para naman umano sa ikabubuti ng daanan at ng mga motoristang dumadaan sa nasabing bahagi.
Inaasahan umano na sa pagtatapos ng konstruksyon ng kalsada ay dadami muli ang mga konsumer at bisitang dadayo para mamili at agad naman umano silang makababawi sa kanilang kita. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






