
Itinaas na sa Full Alert Status ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.
Kung saan pinaiigting ng PNP ang pagtitiyak ng seguridad at presensya ng mga kapulisan sa loob at labas ng Senado kasunod ng naiulat na insidente ng mga putok ng baril.
Ayon sa PNP, iniimbestigahan na nila ang nasabing insidente na naganap sa loob ng Senado.
Epektibo ang nasabing alerto kahapon ng 8:30 ng gabi at sa ngayon ay wala pang ulat kung hanggang kailan ito matatapos.
Kaugnay nito, nasa humigit kumulang 1,500 na mga pulis ang idineploy sa lugar.
Samantala, nilinaw naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang mga sundalong nakita sa loob ng building ng Senado ay pinatawag ng Senate Office of the Sergeant-and-Arms (OSAA) para tumulong sa seguridad ng nasabing pasilidad.










