Friday, May 8, 2026

1 lokal na kompanya, sinampahan ng tax evasion case ng BIR dahil sa hindi tamang pagbabayad ng buwis

COURTESY: Bureau of Internal Revenue

Kinasuhan kahapon, May 7, ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang Lobelle Commodities Corporation dahil sa maling paggamit nito ng value-added tax (VAT) exemption sa in-import nitong palm olein oil noong ikatlo at ika-apat na kwarter ng 2020 na umabot sa ₱262 milyon ang buwis na hindi binayaran.

Ayon sa BIR, hindi kwalipikado ang kompanya sa paggamit ng VAT excemption dahil wala naman itong anumang kinalaman sa manufacturing ng feeds at ibinenta pa umano ang produkto sa ibang hindi kuwalipikadong entities.

Paglilinaw ng BIR, maaari lang gamitin ng nasabing kumpanya ang VAT Excemption kung ginamit ang in-import na palm olein oil sa paggawa ng animal feeds at may sertipikasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA) na hindi ito para sa human consumption.

Sa ibang balita, sinampahan din ng BIR ng kaso ang 1 may ari ng meat stall at isa pang may-ari ng construction firm na kapwa may mahigit ₱8 milyong buwis na hindi binayaran noong 2019, kabilang ang income tax at VAT.

Ito ay kahit inabisuhan na ang dalawang respondent at binigyan pa ng pagkakataong humabol sa pagbabayad.

Facebook Comments