
Nananawagan si Senior CitizenParty-list Rep. Roldolfo Ompong Ordanes kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawaran ng pormal na pagkilala ang boy scout na nasawi dahil sa pagsisikap na protektahan ang kanyang mga kaklase at guro laban sa pamamaril kamakailan ng dalawang menor de edad sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City.
Diin ni Ordanes, nararapat bigyan ng parangal ang nabanggit na boy scout dahil sa ipinamalas nitong kabayanihan ng isara nya ang pinto ng kanilang silid-aralan para mailigtas mula sa mga suspek ang kanyang mga classmates at teacher kapalit ng kanyang buhay.
Bukod dito ay iginiit ni Ordanes na dapat ding kilalanin ang mga residente ng tacloban na agad umaksyon at umalalay sa mga biktimang estudyante gayundin ang mga nagsagawa ng citizen’s arrest sa dalawang menor de edad na namaril.
Pinuri din ni Ordanes ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Proteksyon (PNP) na nagpamalas ng katapangan, professionalism, at dedikasyon sa mabilis na pagtupad sa kanilang tungkulin ng mangyari ang malagim na insidente.










