Monday, June 29, 2026

SP Win Gatchalian, handa na maging presiding officer ng impeachment court

Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na siya ang tatayong presiding officer ng impeachment court para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Gatchalian, nakasaad sa rules ng senate impeachment court na ang Senate President ang presiding officer at ito ang direksyon ngayon ng Senado.

Sinabi ng senador na katunayan handa siya para rito.

Bahagi aniya ng kanyang preperasyon bilang presiding officer ang pagaaral sa apat na articles of impeachment na isinumite ng prosekusyon gayundin ang pagaaral ng procedures, ng mga nagdaang impeachment trial at pagkonsulta sa mga legal experts.

Dagdag din sa pinaghahandaan ng Senado ang pisikal na aspeto ng proceedings at ang mahigpit na seguridad.

Bagamat aminado si Gatchalian na masikip ang schedule ngayong linggong ito, siniguro ng Senate President na tuloy na tuloy na ang impeachment trial sa July 6.

Facebook Comments