Monday, August 3, 2026

Senador Joel Villanueva, nagpahayag na dadalo kung magkaroon ng special session ang senado

Handa si Senator Joel Villanueva na dumalo ng special session kung sakaling magpatawag nito si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa Facebook page ng Jesus is Lord Church Worldwide ay doon sinabi ni Villanueva na kung magpapatawag ng special session ay kanyang tutuparin ang sagradong tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas.

Ipinunto pa ng senador na sa nagaganap na bangayan patungkol sa liderato ng Senado, ang naiipit na rito ay ang mga kawani na ang gusto lamang ay magtrabaho.

Sa naturang special session, plano ni Villanueva na maghain ng isang resolusyon upang matiyak na may sapat na pondo para sa relief, rehabilitasyon, at muling pagbangon ng mga lugar na tinamaan ng lindol sa parte ng Mindanao.

Isusulong din aniya ng senador ang pagpasa ng panukalang batas na nasa pinal at ikatlong pagbasa at titiyakin sa mga kapwa lingkod bayan ang kanilang comfirmation sa kanilang mga appointment, partikular na ang mga opisyal ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

Facebook Comments