
Ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Benny Abante, nagagalit na ang Diyos at nangyayari na ang mga pagbaha.
Tanong pa ni Abante nasaan at anong ginagawa ni Vice President Sara Duterte ngayong dumaranas ng matinding pagbaha ang buong Luzon at habang nagpapatuloy din ang impeachment trial.
Dismayado si Abante na habang may kalamidad ay may nakikita syang video sa social media na nagsasayaw si VP Sara bukod sa nagagawa din nitong magpunta sa iba’t ibang mga bansa.
Giit ni Abante, dapat harapin ni VP Sara ang mga alegasyon sa kanya sa impeachment trial upang matapos na ito at hindi na masayang ang buwis ng taumbayan.
Sinabi ito Rep. Abante sa pulong balitaan matapos ang ika-16 na impeachment trial kung saan humarap bilang hostile witness ng prosecution si Office of the Vice President Special Disbursing Officer o SDO Gina Acosta.










