
Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) katuwang ng Bureau of Immigration (BI) ang 8 Korean nationals kasunod ng implementasyon ng 2 BI Mission Orders sa Angeles City, Pampanga.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang nasabing dalawang mission orders ay para sa isa sa mga naarestong koreano na wanted sa South Korea kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa iligal na pagbubukas at operasyon ng pasugalan.
Base sa impormasyon mula sa awtoridad sa Korea, ang mga nasabing operators ay naghahawak ng mga pribadong bank accounts na pinaniniwalaang ginagamit para sa paggalaw ng iligal na kita.
Pansamantala namang naka-detained sa CIDG Angeles City Field Unit ang mga naaresto habang hinihintay ang pagsasampa ng kaukulang kriminal na kaso at ang inaasahang deportation proceedings ng BI sa kanila.










