PCG, nagtayo ng Command Observation Posts sa ilang Isla sa WPS

74

Nagtayo ang Philippine Coast Guard (PCG) ng Command Observation Posts sa tatlong isla malapit sa West Philippine Sea (WPS).

Partikular sa Likas Island, Lawak Island, at Parola Island.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, ang mga outpost na ito ay mapapalakas pa ang kanilang kapasidad sa pagsusulong ng maritime safety, maritime search and rescue, at marine environmental protection.


Bukod dito, nagtatag rin ang Task Force Kaligtasan sa Karagatan ng PCG ng mga smart house at naglagay rin ng radio communications sa nasabing mga isla.

Sinabi pa ng pinuno ng PCG na ang paglalagay ng mga Command Observation Posts ay bahagi ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ar Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade bilang suporta sa maritime transportation at shipping industry sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng maritime safety at security.

Maging si National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) at National Security Council Adviser, Secretary Hermogenes Esperon ay suportado ang mga nasabing hakbang ng coast guard.



Aniya, malaking tulong ito para mabigyan ng gabay ang domestic at international ships na dumaraan sa karagatan sakop ng Pilipinas.

Facebook Comments