Paghahanda ng PRC sa paparating na bagyo, nakalatag na

Nakaalerto na ang Philippine Red Cross (PRC) habang papalapit na ang Super Typhoon Betty sa bansa.

Pinulong na ni PRC Chairman Dick Gordon ang mga chapter administrators upang tiyakin ang kanilang kahandaan sa logistics at manpower.

Pagtitiyak pa ni Gordon na aktibo na ang PRC sa paghahanda at monitoring sa rehiyon sa Northern Luzon, na inaasahan ang anumang potensyal na kinakailangan para sa pagtugon at tulong.


Bilang pagsunod sa kanilang pre-disaster guidelines, lahat ng PRC volunteer at personnel ay nanatiling naka- standby, ganap na handa, habang ang mga asset at equipment ay sumailalim sa masusing inspection at strategic placement.

Facebook Comments