
Kinumpirma ni House Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan na haharap si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa impeachment trial sa Martes, July 21.
Ayon kay Kapunan, hindi na dadalo si Matibag sa Regional Summit on Scams and Transnational Organized Crime na gaganapin sa Thailand simula July 21.
Binanggit ni Kapunan na mismong si Matibag ang nagsabing handa na syang tumestigo para sa ika-apat na article of impeachment patungkol sa alegasyong grave threats at inciting to sedition.
Diin ni Kapunan, maipapaliwanag ni Matibag ang lahat hinggil sa article 4 ng impeachment case ni VP Sara.
Binanggit naman ni House Deputy Speaker at La Union Representative Paolo Ortega V na napakahalaga ng sasabihin ni Matibag dahil ito ang may full access sa mga records at importanteng mga dokumento ng NBI.










