
Bumuo na ang Northern Police District (NPD) ng Special Investigation Task Group (SITG) upang mapabilis na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin sa pamamaril at pagpatay sa anti-DDS vlogger na si Mima Alicia o Alicia Lipata noong madaling araw ng July 17 sa North Caloocan.
Ang 22-anyos na vlogger ay nasa gilid ng kalsada sa Tierra Nova Subdivision sa Barangay 171 nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem saka bigla silang pinagbabaril.
Kwento ng isang saksi, bandang 3:00 AM, nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok at nang silipin niya ang pinanggalingan nito ay nakita niya si Lipata na nakahandusay sa kalsada at may tama ng bala sa ulo.
Sa kabila naman ng maraming tama ng bala ay nakaligtas at inoobserbahan sa ospital ang kanyang live-in partner na si Nelboy Lluz.
Mariing kinondena ng Northern Police District (NPD) ang nangyaring shooting incident kasabay ng panawagan sa sinumang may impormasyon na makipag ugnayan sa Caloocan City Police Station upang makatulong ito sa ginagawang imbestigasyon










