Tuesday, July 14, 2026

Rep. Chua, kumuha ng personal security matapos magpahayag ng matinding galit sa kanya si VP Duterte

Labis na natakot si House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua sa pagpapahayag ni Vice President Sara Duterte ng matinding galit sa kanya noon.

Ayon kay Chua, bunsod nito ay kumuha sya noon ng personal security para sa kanyang kaligtasan dahil hindi naman basta basta lang ang bise presidente na ikalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Sa impeachment trial kahapon ay ipinalabas ang ilang bahagi ng online press conference ni VP Duterte noong November 2024 kung saan makikitang isa sa Chua sa kanyang minura ng matindi.

Diin ni Chua, sino ang hindi matatakot sa pananalita ni VP Sara dahil alam naman ng lahat ang kapasidad o kayang gawin nito.

Si Chua ang chairman ng House Committee on Good Government ang Public Accountability na siyang nagsagawa ng imbestigasyon sa umano’y maling pagagamit ng mga tanggapan ni VP Sara ng confidential funds.

Sa nabanggit na hearing na-contempt si Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez kaya ito ay naiditine noon sa kamara.

Facebook Comments