
Nakaapekto ang kawalan ng sariling suplay ng langis at kawalan ng artificial intelligence (AI) sector sa mataas na inflation rate sa bansa.
Sa budget briefing para sa P7.2 trillion 2027 National Expenditure Program (NEP) o ang pambansang pondo, tinanong ni Senator Risa Hontiveros kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. kung ano ang mga sanhi ng mataas na inflation sa Pilipinas.
Ipinunto ng senadora na mataas ang inflation figures ng bansa na nasa 6.2% kumpara sa mga kalapit na bansa na Vietnam na nasa 4.4%, Thailand na nasa 1.95%, at Malaysia na nasa 1.8%.
Ayon kay Remolona, napuruhan ang bansa ng pagtaas ng presyo ng langis lalo’t wala naman tayong domestic oil production sa bansa hindi aniya tulad sa Indonesia at Malaysia na mayroong sariling langis bagamat nag-i-import pero kakaunti na lang ang kailangan.
Dagdag pa rito ay limitado lang din ang high-tech AI sector na makakatulong sana sa ating ekonomiya kumpara sa mga kalapit na bansa.
Sinabi ni Hontiveros na mahalagang matalakay ito sa 2027 budget para makapaglatag ng adjustments ang bansa upang masuportahan ang mga hakbang na ginagawa ng BSP para makontrol ang inflation at maibalik ang trajectory ng inflation target kahit sa 2028.










