
Kumpiyansa si Manila 6th District Representative Benny Abante na mahihirapan ang defense team ni Vice President Sara Duterte na baliin ang testimonya sa impeachment trial ni dating Office of the Vice President (OVP) Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta.
Pangunahing tinukoy ni Abante, na hindi mababaligtad ng depensa ang inihayag ni Acosta sa paglilits na si VP Sara mismo ang direktang nag-utos sa kanya na ibigay ang P125 million na confidential funds kay Col. Raymund Dante Lachica.
Sabi ni abante, ang mabanggit na testimonya nj Acosta ay tiyak kokontrahin ng defense sa cross-examination ngunit siguradong mahihirapan silang pabulaanan ito.
Diin ni Abante, ang salaysay ni Acosta ay nagpatibay sa paninindigan ng prosekusyon na may sapat na ebidensya para ma-convict si VP Duterte.










