Thursday, August 27, 2026

128 Pinoy sa Nepal, ligtas sa flash flood

Walang Pilipinong naiulat na nasawi o naapektuhan sa matinding flash flood sa Nepal na ikinasawi ng daan-daang katao.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, patuloy na sinusubaybayan ng gobyerno ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Nepal para matiyak ang kalagayan ng mga Pilipino doon.

Sinabi ni Castro na hanggang kaninang umaga, wala pang natatanggap na ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa Filipino casualty.

Tinatayang 128 Pilipino ang nasa Nepal, karamihan ay mga babaeng may asawang Nepalese.

Mayroon ding 18 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Samantala, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikiramay sa mga biktima at ipinagdasal ang kaligtasan at pagbuti ng kalagayan ng mga naapektuhan ng kalamidad.

Facebook Comments