
Inalerto ng Philippine National Police (PNP) ang mga tanggapan at unit nito sa buong bansa kasunod ng posibleng banta ng Bagyong “Saudel” at iba pang sama ng panahon na posibleng magdulot ng mas malakas na pag-ulan at pagbaha sa mga susunod na araw.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan nito ang lahat ng unit ng pulisya sa mga apektadong lugar na imonitor ang sitwasyon sa kanilang mga nasasakupan at panatilihin ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Layon nito na matukoy kung kinakailangan nang magimplementa ng preemptive evacuations sa mga residente.
Samantala, tiniyak din ng PNP na patuloy ang pagbibigay nila ng libreng sakay sa mga komyuters na maaaring maapektuhan dulot ng pagbabaha kagaya ng nangyari noong nakaraang linggo.










