
Posibleng sampahan ng kasong reckless driving at improper person to operate a motor vehicle si Boss J, isang motorista at content creator, na umano’y sangkot sa viral video ng overspeeading sa expressway.
Sa video, kitang kita na aabot sa 189 kilometers per hour ang pagpapaandar ng content creator sa big bike at ilang beses pang nag overtake sa North Luzon Expressway o NLEX.
Sinabi pa ng content creator sa kaniyang video na tinikitan siya sa exit ng expressway dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo.
Inisyuhan na ng Show Cause Order ng Land Trandportation Office ang content creator at ang rehistradong may ari ng motorsiklo para magpaliwanag sa ahensya.
Samantala, pansamantala na ring sinuspendi ang driver’s license ng content creator habang isinailalim naman na sa alarm status ang ginamit na motorsiklo habang gumugulong pa ang imbestigasyon.










