PDRRMO PANGASINAN, INILUNSAD ANG TYPHOON WATCH APP PARA SA MAS MAAGANG BABALA SA BAGYO

Nagsagawa ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng rollout ng Typhoon Watch App noong Mayo 7–8, 2026 bilang bahagi ng pagpapalakas ng disaster preparedness sa lalawigan.

Ang inisyatiba ay nakaangkla sa SHIELD Programme na layuning mapabilis ang pagbibigay ng babala at impormasyon sa panahon ng bagyo sa pamamagitan ng mas pinahusay na sistema ng data at teknolohiya.

Ayon sa PDRRMO, gumagamit ang application ng predictive analytics at localized early warning systems na nakabatay sa datos mula sa mga Provincial Local Government Units (PLGUs).

Isinagawa ang rollout matapos ang naunang implementasyon at User Acceptance Testing ng sistema sa Albay, na nagsilbing pilot area ng proyekto.

Kabilang sa mga aktibidad ang data validation, system deployment, user training, governance orientation, at scenario-based exercises para sa mas maayos na disaster response operations ng mga LGU sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments