HEAT INDEX SA PANGASINAN, SUMIPA SA 44C; PDRRMO NAGLABAS NG BABALA LABAN SA HEAT STROKE

Naglabas ng babala ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kaugnay sa panganib ng heat exhaustion at heat stroke matapos umabot sa 46°C ang pinakamataas na naitalang heat index sa lalawigan ngayong taon.

Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ng PDRRMO na patuloy na naglalaro sa 42°C pataas ang heat index nitong mga nakaraang araw na kabilang na sa “danger level.”

Ilan umanong karaniwang sintomas ng heat exhaustion ang pagkahilo, labis na pagpapawis at muscle cramps.

Dahil dito, pinayuhan ang publiko na agad luwagan ang damit at manatili sa malamig na lugar kapag nararanasan ito.

Nagbabala rin ang ahensya na kapag nakaranas na ng matinding panunuyo at sobrang pag-init ng balat ay maaari ay agad humingi ng tulong dahil maaari itong humantong sa heat stroke.

Sa kabila nito, wala pa umanong naitatalang heat-related incidents sa lalawigan.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang iba’t ibang tanggapan ng probinsya kabilang ang Provincial Agriculture Office upang makapagbigay ng assistance sa mga mangingisda na apektado ng matinding init. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments