Libo-libong Manileño, dumagsa sa caravan ni Mayor Isko Moreno

Dumagsa ang libo-libong mga residente sa mga kalsada ng Maynila upang suportahan ang kanilang alkalde na si Mayor Isko Moreno Domagoso, na ngayon ay tumatakbo sa pagkapangulo.

Ikinatuwa ni Moreno ang pagsuportang ito ng mga Manileño sa kanyang kandidatura, running mate na si Doc Willie Ong, at tatlong senatorial bet ng Aksyon Demokratiko.

Tinatayang nasa 5,000 na motorcycle riders ang nakilahok sa “Blue Wave” caravan sa Tondo, Maynila.


Tumagal ang motorcade ng ilang oras at pagkatapos nito ay dumiretso ang alkalde sa Kartilya ng Katipunan para proclamation rally ng Aksyon Demokratiko.

Facebook Comments