PESO office ng Manila LGU, muling ipinagpatuloy ang job fair ngayong araw

28

Muling nagkasa ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ng job fair ngayong araw.

Ikinakasa ang job fair sa Park and Ride Building sa Lawton Maynila na magtatagal ng hanggang alas-4:00 ng hapon.

Ayon sa Manila Public Employment and Services Office o PESO, aabot sa 700 na mga trabaho ang maaring aplayan ng job seekers at kabilang sa mga inaaalok ay:


– Sales Promodiser
– Production Operator
– Services Crew
– Costumer Services representative at marami pang iba.

Para sa kumpletong listahan, maaaring bisitahin ang official Facebook page ng PESO-Manila City.

Upang makapag-apply, maaaring magparehistro muna sa Google form na binigay ng PESO kung saan i-screenshot ang confirmation upang maipakita sa job fair.



Paalala pa ng lokal ng pamahalaan para sa mga aplikante na magdala ng pamaypay, payong, tubig gayundin ang black ballpen, at sampung kopya ng resume.

Facebook Comments