BANGKAY NG LALAKI NA NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA IRIGASYON, NATUKOY NA

19
Cauayan City, Isabela- Nakilala na ang bangkay ng lalaking natagpuang palutang-lutang sa irrigation canal sa boundary ng brgy. San Antonio at Villa Beltran, Ramon, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Jennifer Martin,nasa hustong gulang, at residente ng Bugallon Proper sa nabanggit na bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, umaga nitong Linggo, Setyembre 11, 2022, umalis ang biktima sa kanilang bahay kasama ang mga kaibigan na palagi umanong kainuman.

Pero, hapon ng parehong araw ay nakita na lamang ang kanyang katawan na palutang lutang sa irigasyon na agad namang ipinaalam sa barangay Tanod.

Napag-alaman mula sa isang kasamahan ng biktima na nagpaalam raw itong bumili ng alak subalit hindi na ito nakabalik.

Samantala, palaisipan pa rin sa pamilya ang sinapit ng biktima at hiniling na lamang na isailalim sa autopsy para malaman ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamay dahil mayroong mga nakitang sugat sa ulo nito.

Facebook Comments