Philadelphia, nasungkit ang ikawalong panalo kontra Celtics

22

Tinalo ng Philadelphia 76ers ang Boston Celtics sa score na 111-99.

Ito na ang pangwalong panalo ng Philadelphia mula sa kanilang siyam na laro.

Nanguna sa sixers si Joel Embiid na may 25 points, 13 rebounds at 6 assists.


Naging katuwang ni Embiid si Tyrese Maxey na may 23 points, Tobias Harris na nakagawa ng 17 points at 9 rebounds at Seth Curry na may 17 puntos.

Para naman sa Celtics, nanguna si Jaylen Brown na may 21 points at Jayson Tatum na may 20 puntos.

Facebook Comments