Wednesday, November 4, 2026

Malacañang, tiniyak na walang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin hanggang katapusan ng taon

Tiniyak ng Malacañang na walang magiging pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, paiigtingin ng gobyerno ang pagbabantay sa presyo at suplay ng mga produkto sa pamamagitan ng joint market monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).

Saklaw ng pagbabantay ang 190 pangunahing produkto na nasa ilalim ng price monitoring ng DTI.

Tiniyak din ng ahensiya na hindi magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Hinimok naman ng Palasyo ang publiko na maging mapagmatyag at i-report sa DTI ang mga tindahang lalabag sa itinakdang presyo o magkakaroon ng problema sa suplay.

Chzianelle Salazar, RMN Manila

Facebook Comments