Monday, July 13, 2026

12 indibidwal na isinasangkot sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athlete sa Aurora, inirekomenda ng NBI sa DOJ na kasuhan

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang 12 indibidwal na isinasangkot sa pagkamatay ng dalawang student athlete ng Ateneo de Manila University sa isinagawang team building sa Aurora.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang inirekomendang kaso ng NBI laban kina Ateneo Cagers Coach Tab Baldwin, anim na assistant coach at isang physical therapist.

Habang inirekomenda rin ng bureau na kasuhan ng simple negligence resulting in two counts of homicide ang 3 sa resort owners at 1 athletic director.

Kung maalala, noong Hunyo 12 nang malunod ang Ateneo Blue Eagles rookie basketball player na si Rene Baterbonia at teammate nitong si Divine Adili.

Una nang nirekomenda ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kasuhan si Baldwin at 10 miyembro ng kaniyang coaching at support staff ng paglabag sa Republic Act No. 11053 o Anti-Hazing Act.

Facebook Comments