
Titingnan muna ng defense team ni Vice President Sara Duterte kung kailangan nilang i-cross-examine si Atty. Zuleika Lopez sa impeachment trial.
Ayon kay Defense Spokesperson Atty. Michael Poa, titingnan muna nila ito depende sa magiging presentasyon ng proseksyusyon kung may mga bagay na dapat iklaro.
Ipinaliwanag naman ni Poa na maaaring hindi magsagawa ng cross-examination ang depensa kung sa tingin nito na wala namang masyadong napatunayan ang panig ng prosekyusyon.
Samantala, nilinaw naman ni Poa na matuturing na regular witness pa rin si Lopez at hindi hostile witness.
Nabatid na pinatawag na rin ng prosekyusyon si Lopez, ang chief of staff ni VP Sara para humarap sa nasabing impeachment proceedings kung saan inaasahan na haharap ito ngayong linggo.










