Wednesday, July 15, 2026

Prosekusyon, wala nang dapat pang idagdag na ebidensiya sa mga pagbabanta ni VP Sara Duterte —Palasyo

Naniniwala ang Palasyo na wala nang dapat pang patunayan ang prosekusyon sa kaso ng pagbabanta ni Vice President Sara Duterte na tinatalakas sa Senate impeachment court.

Ito ay kasunod ng inilabas na pahayag kahapon ni VP Sara na wala umanong sapat na ebidensyang sumusuporta sa impeachment complaint laban sa kanya.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na nakay Duterte na ngayon ang burden of evidence.

Wala na rin aniyang dapat ilatag na dagdag ebidensiya ang prosekusyon dahil mismong kay VP Sara na nanggaling ang pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Pumalag din si Castro kaugnay sa sinabi ng defense counsel na hindi pagbabanta ang naging pahayag ni Duterte.

Facebook Comments