Pinaigting pa ang pagtutok sa physical wellness ng mga kapulisan ng Pangasinan Police Provincial Office bilang tugon sa mas mabilis na pagbibigay serbisyo sa publiko.
Ayon sa direktiba ng bagong Provincial Directong ng PANGPPO na si PCOL Dennis De Leon, mahalagang regular na sumailalim sa mga health activities, tulad ng exercise, ang mga pulis upang mapanatili ang kanilang maayos na pangangatawan at kahandaan sa mga insidenteng nangangailangan ng agarang aksyon at responde.
Matagal na rin umanong ipinatupad ang nasabing aktibidad at ngayo’y pinagtibay lamang para sa pisikal man o mental na aspekto.
Nakadepende naman sa schedule ng mga police station ang pagsasagawa ng kanilang mga exercises para sa kanilang kapulisan upang angkop pa rin sa oras ng kanilang trabaho at pagresponde sa mga nangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







