Friday, June 19, 2026

SP Win Gatchalian, bukas para makipag-usap sa mga miyembro ng minorya

Bukas ang tanggapan ni Senate President Win Gatchalian sa mga myembro ng minorya para makipagusap at matiyak ang tuloy-tuloy na trabaho sa mataas na kapulungan.

Sinabi ni Gatchalian na sa mga susunod na araw ay may mga minority members pa siyang makakausap lalo’t ilan sa mga ito ay nagpahayag na ng kahandaan na makipagtulungan para makapagtrabaho na.

Nilapitan niya sa special session at kinausap sina Senators Imee Marcos, Rodante Marcoleta, Loren Legarda, Pia Cayetano, Bong Go at Camille Villar.

Bukod dito, nabigyan din ng Committee Chairmanships ang tatlo sa minority members, si Go sa Committee on Sports and Youth, Sen. Camille sa Committee on Government Corporations at Sen. Mark Villar na Chairman naman ng Committee on Banks.

Gayunman, sa kabila ng mga pagbati sa personal at sa texts mula sa mga myembro ng minorya, sinabi ni Gatchalian na ang kanyang pinalitan na si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ay hindi pa rin bumabati o nagpadala man lang sa kanya ng mensahe.

Facebook Comments