Wednesday, July 8, 2026

Sen. Erwin Tulfo, naghain ng reklamo laban kay Atty. Baligod, Mike Defensor at sa ilang 18-ex bodyguards ni Zaldy Co

Naghain ng reklamo ngayong umaga sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office si Senator Erwin Tulfo laban kina Atty. Levito Baligod, ex-Congressman Mike Defensor, incumbent Quezon City Councilor Ranulfo Ludovica, Atty. Virgilio Garcia at ilang myembro ng 18-ex bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co.

Isinampa ng senador ang kasong grave oral defamation kaugnay ‘yan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 laban sa mga ito.

Ang reklamo ay nag-ugat sa pagdawit ng ilang dating 18-ex bodyguards ni Co kay Tulfo sa maanomalyang flood control projects.

Humarap noong June 4 sa ipinatawag na pagtitipon ng Cayetano faction ang 18-ex bodyguards kung saan pinangalanan si Senator Erwin na dalawang beses umanong hinatiran ng male-maletang kickback ng flood control projects sa bahay nito sa Greenhills.

Nauna namang itinanggi ni Tulfo ang alegasyon at kinwestyon ang pagiging selective ng mga ito sa gustong isangkot sa anomalya.

Facebook Comments