
Nagpahayag ng excitement si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., sa pagreretiro nito kasunod ng higit 41 taong pagbibigay nito ng serbisyo sa bansa.
Ayon kay Brawner, matuturing na napakatagal na ng ginugol nito sa serbisyo at tingin niya ay deserve niya ang pagiging buhay sibilyan.
Samantala, nang tanungin naman ito kung may nagbigay ba ng alok sa kanya para sa posisyon sa gobyerno, sinabi nito wala pa itong natatanggap na offer at wala pa rin naman ito sa kaniyang isipan.
Si Brawner ang kauna-unahang nakatapos ng tatlong taong termino bilang Chief of Staff ng AFP.
Facebook Comments










