
Inirekomenda ni Senate Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero na baguhin ang schedule ng impeachment trial.
Sa kaniyang podcast na Chiz Wiz, iminungkahi ni Escudero na gawin sa umaga ang impeachment trial, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon tuwing Lunes hanggang Miyerkules.
Itatakda ito kapag nagsimula na ang second regular session ng 20th Congress sa July 27 o pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.
Pagsapit naman ng alas-3:00 ng hapon ay susundan naman ito ng regular session ng Senado na Lunes hanggang Miyerkules din.
Sa ganitong paraan aniya ay mababakante ang Huwebes para naman sa pagsasagawa ng mga pagdinig partikular na sa panukalang budget para sa 2027.
Bukod dito, inirerekomenda rin ni Escudero ang posibilidad na suspendihin ang sesyon sa hapon kung wala namang malaking agenda, para bigyang-diin ang iba pang pagdinig.










