Thursday, July 9, 2026

PCG, nagdagdag ng mga tauhang naka-deploy sa mga lugar na apektado ng Typhoon Inday

Nagdagdag ng mga karagdagang tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ilang lugar na apektado ng Typhoon Inday.

Ayon sa PCG, inatasan ni Commandant Admiral Ronnie Gavan ang mga tauhan na paigtingin pa ang paghahanda at response operations sa mga lugar na makakaranas ng masamang panahon.

Kabilang sa mga pinaghahandaan ng PCG ang search and rescue, evacuation, humanitarian assistance, at disaster response at iba pang emergency na kakailanganin.

Patuloy naman ang koordinasyon ng coast guard sa mga local government units at iba pang ahensiya para paigtingin ang paghahanda ngayong nananatili sa Full Alert Status.

Nagpaalala naman ang PCG sa mga mangingisda at bibiyahe na huwag munang pumalaot at mahigpit na sundin ang mga opisyal na abiso at babala para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments