Thursday, July 9, 2026

VP Sara Duterte, nagpaabot sa mamamayan na huwag nawawalan ng pag-asa dahil may mangyayaring pagbabago sa bansa

Hinamon ni Vice President Sara Duterte ang ilang opisyal ng pamahalaan na itigil na ang pamumulitika at aniya’y pagkukunwaring paghahanap ng transparency at accountability na ang totoong pakay ay sariling political interest.

Sa ambush interview sa Hinatuan, Surigao del Sur,hinamon din ni VP Sara ang mga opisyal ng pamahalaan na tutukan ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Aniya, matagal nang hinihintay ng mamamayan na maisaayos ang kanilang buhay.

Sa kabilang dako, ipinaabot ni VP Sara sa mga Pilipino na huwag mawawalan ng pag-asa dahil may mangyayaring pagbabago sa bansa.

Facebook Comments