Monday, August 24, 2026

Malacañang, sinagot ang akusasyon ni Mayor Baste Duterte ng pamumulitika

Pinalagan ng Malacañang ang paratang ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na ginagamit umano ng administrasyon ang batas at burukrasya laban sa mga kalaban sa pulitika.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung susundin ang pananaw ng kampo ng Duterte, para na rin umanong pinipigilan ang pamahalaan na ipatupad ang batas laban sa mga inaakusahan ng paglabag.

Sa halip na magbintang ng pamumulitika, sinabi ni Castro na mas mabuting sagutin ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang mga isyung kinakaharap nito, kabilang ang umano’y maling paggamit ng pondo at ang naging pahayag nito tungkol sa pagkuha ng killer.

Iginiit din ni Castro na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kumikilos alinsunod sa batas at hindi inaabuso ang kapangyarihan.

Dagdag pa niya, ang tunay na pang-aabuso sa kapangyarihan ay ang pananakit sa isang sheriff na nagsasagawa lamang ng kanyang tungkulin.

Facebook Comments