Pinsala sa agrikultura na iniwan ng Bagyong Karding pumalo na sa ₱3 billion ayon sa NDRRMC

Lumobo pa sa ₱3 billion ang iniwang pinsala ng Bagyong Karding sa agrikultura.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula ang pinsala sa Regions 1, 2, 3, 5, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (CALABARZON) at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pinakamalaking pinsala ang tinamo ng Region 3 na nasa higit ₱2 billion na sinundan ng CALABARZON na umabot sa ₱187 million ang pinsala.


Samantala, nasa 104,500 naman ang naapektuhang mangingisda at magsasaka sa pananalasa ng Bagyong Karding.

Sa ngayon, nagbibigay na ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhang mangingisda at magsasaka sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA).

Kabilang dito ang pamamahagi ng rice at corn seeds gayundi ng mga binhi at fingerlings at pagpapautang sa mga apektadong mangingisda at magsasaka sa pamamagitan ng Survival and Recovery o SURE Loan.

Facebook Comments