Pinsalang iniwan ng lindol sa Abra, pumalo na sa higit ₱52-M – NDRRMC

Umaabot na sa higit P52.7-M ang halaga ng pinsalang naidulot sa imprastraktura sa Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) ng magnitude 6.4 na lindol na yumanig sa Abra nitong Martes ng gabi.

Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabuuang 125 imprasktraktura mula sa mga nabanggit na rehiyon ang nasira ng lindol.

65 dito ay napinsalang mga gusali mula sa Region 1 na nagkakahalaga ng P21,150,000 habang 33 nasirang imprastraktura ay mula sa CAR na nagkakahalaga ng P30,820,000 at 27 gusaling nasira ng lindol ay mula sa Region 2 na may halagang P768,000.


Samantala, nasa 1,821 mga kabahayan din mula sa naturang mga rehiyon ang napinsala ng nagdaang lindol.

Facebook Comments