Pasok ang pitong higher education institution na mula sa region 1 sa Top 60 sa Enactus Philippines National Competition & Innovation Summit 2026 – Early-Stage Project Competition Track.
Ito ay mula sa mahigit 600 HEI’s na kalahok sa buong panig ng bansa.
Kasama sa pitong HEI’s mula region 1 ang Don Mariano Marcos Memorial State University mula probinsya ng La Union, Ilocos Sur Polytechnic State College, Mariano Marcos State University – Batac Campus at Northwestern University, Inc. na mula sa Ilocos Norte, at Pangasinan State University – Alaminos City Campus and Sta. Maria Campus,PHINMA University of Pangasinan, at Universidad De Dagupan para sa lalawigan naman ng Pangasinan.
Sa ilalim ng programa, isinagawa ang online information sessions noong August 22, 2026 kung saan nagbigay ang mga HEI’s ng kani-kanilang ideya at orihinal na imbensyon na may positibong epekto sa ekonomiya at lipunan.
Nakatakda ang 60 pasok na HEI’s na sumabak para sa national championship na gaganapin sa Manila mula October 8 hanggang October 10, 2026 na may pagkakataong irepresenta ang Pilipinas para sa Enactus World Cup 2026 sa São Paulo, Brazil.
Layunin ng kompetisyon na mahikayat ang mga estudyante na bumuo ng mga makabagong solusyon na makatutulong sa pagtugon sa mga suliraning panlipunan at pang-ekonomiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








