Pormal nang pinasinayaan ang ₱10-milyong Nueva Era Super Health Center (SHC) matapos ang turnover at ribbon-cutting ceremony na isinagawa ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region at Local Government Unit (LGU) ng Nueva Era noong Setyembre 8, 2026.
Ayon sa DOH, pinondohan ang pasilidad sa halagang ₱10 milyon sa ilalim ng DOH Health Facilities Enhancement Program (HFEP) para sa Fiscal Year 2023.
Ang pagtatayo ng Super Health Center ay isinulong sa pamamagitan ni Ilocos Norte Second District Congressman Angelo Marcos Barba.
Kabilang sa pasilidad ang mga serbisyong medikal tulad ng diagnostic services, outpatient care, pharmacy, at emergency maternal at medical response.
Target umano nitong ilapit sa komunidad ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, kabilang ang konsultasyon, diagnostic procedures, outpatient treatment, access sa gamot, at agarang pagtugon sa mga emergency na may kaugnayan sa ina at iba pang medical cases. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








