
Umabot sa 43 indibidwal ang naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa magkakahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga, loose firearms, wanted persons at ilegal na sugal sa buong lalawigan mula Nobyembre 9 hanggang 16, 2026.
Pinakamarami sa mga naaresto ang 24 na wanted persons na nadakip sa pinaigting na manhunt operations ng pulisya.
Samantala, pitong indibidwal ang naaresto sa anim na operasyon kontra ilegal na droga, kung saan nakumpiska ang tinatayang 20.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱136,204 batay sa Standard Drug Price.
Anim na iba pa ang naaresto sa anim na operasyon laban sa loose firearms, habang anim din ang nadakip sa dalawang operasyon kontra ilegal na sugal.
Bahagi ang mga operasyong ito ng kampanya ng Pangasinan PPO upang mapigilan ang mga gawaing kriminal at mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










