Saturday, September 26, 2026

Plenary deliberations sa proposed 2027 national budget, tinapos na ng Kamara

Tinapos na ng House of Representatives ang plenary deliberations sa House Bill No. 10858, o panukalang 2027 national budget na nagkakahalaga ng ₱7.2-trillion na sinimulan noong September 15 hanggang alas dyes kagabi, September 25.

Kabilang sa mga sumalang sa pagbusisi ng mga Kongresista ang pondo para sa 245 departamento ng pamahalaan, mga ahensya, kasama ang mga attached agencies, gayundin ang government-owned and controlled corporations, at 113 State Universities and Colleges.

Tiniyak naman ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing na may dinagdag pang safeguards sa kanilang binalangkas na 2027 General Appropriations Act lalo na sa patakaran at pamantayan kaugnay sa paggamit at evaluation ng pondo.

Ayon kay Suansing, batay sa deriktiba ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III ay umiral ang transparency at pananagutan sa syam na araw na plenary review ng Kamara sa proposed 2027 budget at patuloy ang kanilang mga hakbang para manatili itong bukas sa publiko.

Target ng Kamara na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang 2027 General Appropriations Bill sa October 6 habang sa October 9 naman ito planong ipasa sa ikatlo at huling pagbasa.

Facebook Comments