
Nakadepende na sa Senate Impeachment Court kung iko-contempt si Davao City Mayor Baste Duterte, sakaling hindi siya humarap sa impeachment trial para tumestigo laban sa kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
Sa Saturday News Forum, binigyang diin ni House Impeachment Panel Spokesperson Representative Zia Adiong, na kaakibat ng inisyung subpoena kay Mayor Baste, ang kapangyarihan ng korte na i-contempt ito.
Matatandaang ipinag-utos na ng korte kay Mayor Baste ang pagsusumite ng certified true copies at complete electronic copies ng official record ng mga kontrata ng Davao City na may kaugnayan sa Gencorp industries inc.
Samantala, asahan rin umano ang magiging testimonya ni dating Senator Antonio Tinio IV, kaugnay ng alegasyong nakatanggap ng P181.6-million ang 5 myembro ng pamilya duterte, kabilang ang bise presidente at si dating President Rodrigo Duterte, mula sa umano’y drug lord sa Davao, simula 2021 hangang 2013.










